Linggo, Disyembre 4, 2011

Silid-aralan

Sa ating silid-aralan, marami tayong natututunan at minsan wala naman rin tayong naiintindihan.
Pero bukod sa matuto at maguluhan sa mga bagay-bagay, hindi lamang iyon ang dahilan para mag-aral.


Nag-aaral rin tayo para magkaroon ng mga kaibigan, dahil hindi ka matututo kung wala kang kaklase. Kanino ka kokopya? ng assignments, at sa quizzes?

May ibat-ibang klase rin ng mga estudyante, na pwede nating magustahan at pwede ring kainisan, at kasuklaman. Eto sila:

Beauty Queen - papasok lang sa iskul, para magpaganda. Imbis na lapis ang hawak, brush ang hawak ni ate. Imbis na nakaharap sa guro, nakikipag-eye-to-eye kay Mirror. 

Ang Mga Payaso - lahat ng paraan ng pagpapatawa eh, ginagawa nila, kahit nagmumukhang tanga na sila. Pero magaling talaga sila, kasi marami naman silang napapatawa. Bagay sa perya. 

Dakilang Epal - hindi mo alam kung bakit pa ito ginawa sa mundo. Lagi kang papakialaman, minsan papansin, minsan basag trip. Feeling close rin ata minsan? Pero wag natin sila i-outcast, hindi naman sila salot sa lipunan. Onti lang.

The Borrower - papasok siya sa iskul, nang kulang kulang ang gamit. Wag na magtaka baka pumasok siya ng nakalimutang mag-brief, tsaka manghihiram sayo.

Ang Sinapian -  pag nakakita ng ipis, aynako. Parang may sapi kung sumigaw. Tatayo pa ata sa upuan pag lumalapit ang ipis.

Eating Machine - ito ang mga buraot sa pagkain. Lahat ng pagkain mo hihingin. Kahit di alam kung anuman yun. Wala ka ng magagawa kasi matakaw talaga kami. Isa ako dito at proud ako.

Boy Pickup - minu-minuto bumabanat ito, sa lahat ng babae, pati narin sa lalaki. Pero sa totoo lang. Astig mga banat niya. Henyo ka pickup!!

Marami pang mga ibat-ibang estudyante na hindi ko pa naman nakakahalubilo. Para sa ngayon, ayan palang yung mga astig para sa akin. Korni ko.