Linggo, Disyembre 4, 2011

Silid-aralan

Sa ating silid-aralan, marami tayong natututunan at minsan wala naman rin tayong naiintindihan.
Pero bukod sa matuto at maguluhan sa mga bagay-bagay, hindi lamang iyon ang dahilan para mag-aral.


Nag-aaral rin tayo para magkaroon ng mga kaibigan, dahil hindi ka matututo kung wala kang kaklase. Kanino ka kokopya? ng assignments, at sa quizzes?

May ibat-ibang klase rin ng mga estudyante, na pwede nating magustahan at pwede ring kainisan, at kasuklaman. Eto sila:

Beauty Queen - papasok lang sa iskul, para magpaganda. Imbis na lapis ang hawak, brush ang hawak ni ate. Imbis na nakaharap sa guro, nakikipag-eye-to-eye kay Mirror. 

Ang Mga Payaso - lahat ng paraan ng pagpapatawa eh, ginagawa nila, kahit nagmumukhang tanga na sila. Pero magaling talaga sila, kasi marami naman silang napapatawa. Bagay sa perya. 

Dakilang Epal - hindi mo alam kung bakit pa ito ginawa sa mundo. Lagi kang papakialaman, minsan papansin, minsan basag trip. Feeling close rin ata minsan? Pero wag natin sila i-outcast, hindi naman sila salot sa lipunan. Onti lang.

The Borrower - papasok siya sa iskul, nang kulang kulang ang gamit. Wag na magtaka baka pumasok siya ng nakalimutang mag-brief, tsaka manghihiram sayo.

Ang Sinapian -  pag nakakita ng ipis, aynako. Parang may sapi kung sumigaw. Tatayo pa ata sa upuan pag lumalapit ang ipis.

Eating Machine - ito ang mga buraot sa pagkain. Lahat ng pagkain mo hihingin. Kahit di alam kung anuman yun. Wala ka ng magagawa kasi matakaw talaga kami. Isa ako dito at proud ako.

Boy Pickup - minu-minuto bumabanat ito, sa lahat ng babae, pati narin sa lalaki. Pero sa totoo lang. Astig mga banat niya. Henyo ka pickup!!

Marami pang mga ibat-ibang estudyante na hindi ko pa naman nakakahalubilo. Para sa ngayon, ayan palang yung mga astig para sa akin. Korni ko.

Biyernes, Oktubre 21, 2011

Araw ng mga Patay, Araw ng Katatakutan?

Nung panahon pa man siguro ni Rizal, marami-rami narin sigurong mga ghost stories no? Di ko lang talaga alam kung bakit usong-uso ang mga kwentong katatakutan kapag Araw ng mga Patay.

Sino ba nagpauso ng mga Vampires na yan, kunyare hahalikan ka sa leeg tapos kakagatin ka pala. Gutom. Eh mga manananggal? Sabi ng iba totoo 'to, lumilipad pag gabi na kalahating katawan lang. Di kaya nakadrugs lang nag-imbento neto? Mga Tikbalang kaya? Siguro, malakas lang tama sa redhorse nagpauso neto. At marami pang ibang characters sa mga kwentong katatakutan, kapag inisa-isa ko pa, may apo na ko, hindi parin 'to matatapos.

Pero aminado ako, mahina ang loob ko pagdating sa mga ganyan. Bata palang ako mahilig na ko manuod ng mga Scary/Horror movies, pagkatapos ko makapanuod ng nakakatakot na pelikula. Di na ako makalabas ng kwarto, kasi duwag ako.

Ang nakakainis pa, kapag UNDAS, walang magawa sa probinsya. Gusto ko manuod ng cartoons. Eh, halos lahat ng channels nakakatakot ang palabas. Except lang sa Studio 23 every year 10 Commandments palabas diyan. Nanunuod ako e.

Bakit ba nauso manakot? Malakas lang siguro trip nila. Pero successful sila, sumikat ang mga kathang-isip nilang mga hinayupak na nilalang sa pananakot sa atin.

Di ko na hahabaan to, baka magpakita pa lahat ng nabanggit ko dito sakin. Ahhhhh!!


Lunes, Setyembre 19, 2011

Kid's Party

2 weeks ago, umattend ako ng kid's party. Kaya naisip kong gumawa ng post tungkol dito.

Lahat naman tayo dumaan sa pagkabata. At noong bata tayo, kapag birthday natin gusto natin, may PARTY! Di ko lang alam yung mga tao diyan na ayaw i-celebrate birthday nila.

Kapag may kid's party, talo ata ang Mang Inasal sa halos unlimited chicken and spaghetti na handa para sa mga bata.

Hindi rin mawawala ang mga palaro ng mga tarantado at malalakas mangtrip na Clowns.

Longest Tune - Happy birthday insert celebrant's nameeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee.
At yung pinakamatagal na magsabe niyan, panalo. Eh, nung bata ako sumali ako diyan sa larong yan, akala ko ako na yung pinakamatagal. Biglang may sumali, natalo pa ako, paano ba naman parang kasing tangkad niya na yung clown. Isipbata.

Longest Line - Hahatiin kayo sa dalawang team. Ilalatag niyo lahat ng gamit niyo sa sahig nang magkakadugtong, kung anong team ang mas mahaba, panalo. Madali lang 'tong larong to. Kaso lugi ka, kung yung mga kalaban mo sa kabilang team, eh todo suporta ang mga nanay. Iaabot ang mga relos at sinturon nila. Kulang nalang maghubad eh. Para sure win.

Bring me - Ito ang pinakapaborito ko sa lahat. Madali lang e. Sasabihin lang ng clown ang gamit na trip niya, tapos ibibigay mo may prize ka na. Syempre, di mawawala ang Pera sa ipapadala nila. At kung talo parin ako, BIBIGYAN ko sila ng malupit na suntok.

Trip to Jerusalem - Ikot-ikot ka lang sa upuan tapos unahan mo mga kalaban na umupo sa silya. Mahirap rin to, kasi lahat kalaban mo. Noon, naalala ko. Dalawa nalang kaming lalaki magkalaban, nasa malayo yung upuan, tatakbuhin namin at maguunahan umupo. Nauna akong nakapunta, eh tinulak ako. Buti nalang hawak ko yung silya, uupo na siya. Hinila ko yung silya, yung pwet niya diretso sa sahig. Malay ko bang iiyak pala yon, nagsumbong sa tatay. After nun hindi na ako sumali sa larong 'to.

At after ng games, syempre kainan na. Pagkatapos naman ng kainan, andyan na ang inaabangan ng mga bata. MAGIC SHOW!!

Kahit hindi mo i-deny, alam ko napahanga ka rin sa tricks nila. Pero na-realize rin natin, na ang Corny pala no.

Uwian na. Syempre hihingi ka ng Loot bags. Minsan kinukuha ko dalawa pa e, hehe. Lagi pala.

Natapos ang Party, hindi ka man lang nag-regalo! Langya ka! Di mo rin binati, para ka lang nakikain.




Biyernes, Agosto 19, 2011

Define Love.

Iba't-ibang definition ng Love, na syempre pauso ko lang. Parang awa, wag niyo ko saktan, kapag ayaw niyo.

Ang Love parang cellphone. Kapag nagsawa ka na, papalitan mo na.

Ang Love parang aircon. Kapag bago, malakas magpramdam, pag tumagal na, halos wala ka nang maramdaman.

Ang Love parang DOTA. Maraming hero na pwede pagpilian.

Ang Love parang food. Everyone's favorite.

Ang Love parang si Cleverbot. Nakakagago.

Ang Love parang Magazine. Nag-iiba every month.

Ang Love parang manok. Pinagpupustahan, para lang sa mga tarantado 'to.

Ang Love parang bagyo. Di maiiwasan pero mapaghahandaan.

Ang Love parang alahas. Aagawin ng iba sayo, sa marahas na paraan pa.

Ang Love parang Conversion of Units sa Physics. Onting pagkakamali lang, wala na.


Cubao-Rosario. Sakay na!!

Kung nagjee-jeep ka at sumasakay sa may Mercury drug na may katabing Tropical Hut na may katabing bulok at mabahong lugar na katabi ng SaveMore sa Cubao . . . Alam mo ang Cubao-Rosario, Ever ang signage sa harap.

Ito ata ang may pinakamaraming jeep sa sakayan.

Minsan, kapag sineswerte ka, magandang jeep masasakyan mo, Patok! Pero nakakainis lang sa mga jeep sa rutang 'to, eh, may mga jeep na mas matanda pa ata kay Rizal.

Kapag nakasakay ka na rito, para sa akin, nalibot mo narin ang buong mundo. Iba't-ibang tao kasi ang makakasalimuha mo. May mga simple lang pero cool. Merong gangstah minsan, pero syempre sabit lang yun. Merong mga empleyado na nagtatrabaho sa eastwood, marami sila kapag sumasakay, syempre mas malakas pa boses nila kesa sa radyo. Badtrip diba. Syempre di ako mawawala sa mga pasahero, ako yung laging tulog, na minsan tulo laway.

Minsan, mababadtrip ka sa drayber. Kulang magsukli. Wag ka na magtaka maraming asawa yon. Daming papakainin.

Malayo-layo rin 'tong byahe na to, kaya masarap matulog, malas mo lang kung di ka marunong matulog habang nakaupo. Merong pasahero na halos malaglag na. Meron ring FC, naka-incline na sayo habang tulog, kahit di mo kilala.

Ay! T@#*i#@, lagpas na ko. Paraaaaaaaa!!!

Jejemon, ang bagong National Artist (ata)

Sa sarili nilang kultura, hindi ka man umamin, napapahanga tayo.

Unique ang Fashion, ang Language, pati ang Face.

Daig nila si Kuya Kim, text lang malalim na ang explanation, di mo makukuha.

Daig nila mga artista, mga artista todo pormal ang kilos hanggang sa pagte-text, eh mga Jejemons, sikat na, kahit di mo maintindihan ang mga text.

Daig nila si Bruno Mars, si Bruno Mars ang fedora onti kulay, Jejecap, rainbow-colored.

Daig nila ang mga sikat na artist, mga artist through paintings ineexpress ang feelings. Mga jejemon, makita mo lang texts nila, alam mo nang may problema sa buhay.

Daig rin nila mga naging teacher ko sa Language at Filipino, mga jejemon kahit tambay lang at di propesyonal, nakagawa at nakaimpluwensya ng bagong lenggwahe sa bansa.

Daig na daig rin ako sa mga jejemons, kasi ako gag*, pero sila supeeeer mas gag*.