Nung panahon pa man siguro ni Rizal, marami-rami narin sigurong mga ghost stories no? Di ko lang talaga alam kung bakit usong-uso ang mga kwentong katatakutan kapag Araw ng mga Patay.
Sino ba nagpauso ng mga Vampires na yan, kunyare hahalikan ka sa leeg tapos kakagatin ka pala. Gutom. Eh mga manananggal? Sabi ng iba totoo 'to, lumilipad pag gabi na kalahating katawan lang. Di kaya nakadrugs lang nag-imbento neto? Mga Tikbalang kaya? Siguro, malakas lang tama sa redhorse nagpauso neto. At marami pang ibang characters sa mga kwentong katatakutan, kapag inisa-isa ko pa, may apo na ko, hindi parin 'to matatapos.
Pero aminado ako, mahina ang loob ko pagdating sa mga ganyan. Bata palang ako mahilig na ko manuod ng mga Scary/Horror movies, pagkatapos ko makapanuod ng nakakatakot na pelikula. Di na ako makalabas ng kwarto, kasi duwag ako.
Ang nakakainis pa, kapag UNDAS, walang magawa sa probinsya. Gusto ko manuod ng cartoons. Eh, halos lahat ng channels nakakatakot ang palabas. Except lang sa Studio 23 every year 10 Commandments palabas diyan. Nanunuod ako e.
Bakit ba nauso manakot? Malakas lang siguro trip nila. Pero successful sila, sumikat ang mga kathang-isip nilang mga hinayupak na nilalang sa pananakot sa atin.
Di ko na hahabaan to, baka magpakita pa lahat ng nabanggit ko dito sakin. Ahhhhh!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento