Linggo, Abril 29, 2012

Ang Prinsesa at ang Palaka

Akala mo siguro ito'y isang kwento.
Nagkakamali ka, ito'y isang tula.
Tulang paborito ng mga engkanto.
Kaya mamaya, ika'y mamumutla.

Sa isang palasyo, may isang prinsesa.
Syempre, saan mo ba siya gustong makita?
Sa isang gubat, may isang palaka.
Syempre, ano ang iyong inaakala?

Pangarap ni palaka, na maging ganap na tao.
Upang makaramdam ng pagmamahal.
Dahil ang lagi niyang kasama, mga insekto.
Kaya humingi siya ng hiling sa Maykapal.

"Gusto ko, sana maging isang ganap na tao!"
"Bigyan mo ko ng rason para ika'y pagbigyan."
"Gusto ko maranasan magmahal dito sa mundo!"
"Sige, ngunit tatagal lang ito ng isang buwan."

At naging ganap na tao na nga si palaka.
Ngunit, amoy ilog parin kaya naligo muna.
Pagkatapos maligo, syempre nagdamit.
Pero hindi parin mawala ang amoy anghit.

Halata sa mukha ni palaka ang kaligayahan.
Kaligayahan na hindi niya kailanman
Naramdaman sa lumang kaanyuan.
Kaya ngiti niya, hanggang sa kalangitan.

At siya ay nakinig sa mga tsismisan.
Ang prinsesa ng kaharian ang pinaguusapan.
Siya raw, ay puno ng kagandahan.
At hindi pa napapasagot ng mga kalalakihan.

Ginanahan si Palaka, na manligaw.
Kaya nagmadali pumunta sa kaharian.
Kahit hindi alam ang daan, handang maligaw.
Umaasa na sila ay magkakatuluyan.

Sa kasawiang palad, nadapa ang palaka.
Ayun, laki ng sugat sa mukha.
Nawalan ng pag-asa na mapapasagot ang prinsesa.
Dahil sa pagmumukha na kay lansa-lansa.

Kaya nagpasya na magpagaling muna.
Ng sugat sa mukha na nagnanana.
Pagkalipas ng dalawampu't siyam na araw,
Ang sugat ay nawala, lumisan at pumanaw.

Ngunit maikling panahon nalang ang natira.
Para manalo at makahabol man lang sa karera.
Karerang mapasagot ang prinsesa,
At mahalin ang isa't isa.

At sa wakas, narating niya na ang Palasyo.
Ngunit ang haba ng pila ng mga nanunuyo.
Kaya nagisip siya ng plano,
Upang ang mga kaagaw, ay mauto.

"Si Christine Reyes, andoon sa labas!"
Malaki ang palasyo, ito ay nag-echo hanggang sa taas.
Nagulat ang lahat ng kalalakihan.
At sa isang iglap, lahat sila ay nagsilabasan.

Nagmadaling umakyat si Palaka.
Dahil tatlong minuto nalang ang natitira.
Napuntahan niya na ang kwarto ng prinsesa.
At pag bukas ng pinto, sila'y nagkita.

Tumigil ang oras, at ang pagtakbo ng hangin.
Sila ay nagtititigan, at ito'y may ibig sabihin.
Love at first sight, ata ang pinararating.
Kaya, mukha na silang mga praning.

"Ano ang iyong pangalan, ginoo?"
"Ako si Palaka, aking prinsesa."
"At bakit, katawa-tawa naman ang iyong pangalan?"
"Dahil, ako ay isang tunay na palaka, aking kamahalan."

Hindi alam ng prinsesa ang kanyang gagawin.
Dahil, hindi makapaniwala sa mga narinig.
Biglang pumasok sa silid, ang malakas na hangin.
At sa nasilayan ng prinsesa, siya ay napatindig!

Naging palaka nga, ang magiting na lalake.
"Bakit ka nagpalit ng anyo, bakit!?"
"Kokak, kokak, kokak!!"
At hindi sila nagkaintindihan, kay saklap.

Si Bathala ay naawa, sa palaka.
Kaya, nagpasya siyang gawing tao muli ito.
Hindi lamang panandalian.
Pang habangbuhay pa niya ito mararanasan.

Biglang naging tao muli ang palaka.
"Ako'y nagbalik, para sa iyo, aking prinsesa"
"Maraming salamat, ikaw ang matagal ko nang hinihintay"
At sila ay nagyakapan hanggang magbukang-liwayway.

Sila ay nagkatuluyan, at nagmahalan.
Gaya ng ibang kwento, masaya ang katapusan.
Natalo ang mga kaagaw o mga kalaban.
Laging pabor sa bida, ang mga eksena.

Lesson: Walang imposible, kahit ano pa ang anyo mo!
PS - Oy, ibang-iba naman to sa princess and the frog no! Che.
     - Inspirasyon ko nga pala si Dan Fugrad dito.
      http://ieatdalandan.blogspot.com/

(yakapan lang yung ending, para hindi tayo ma-rated spg)

3 komento: