Miyerkules, Abril 25, 2012

Buhay Hayskul.

Syempre, kaya ako nagpost ng tungkol sa high school life kasi gradweyt na ako.

Sabi nila, ito ang pinakamasaya. Dito mo makikilala ang mga tunay mong mga kaibigan, makikita ang tunay mong kakayahan at malalaman ang iyong mga kahinaan.

Nung first year palang ako, tinamad na ko mag-aral. Ayaw ko ng sagutan ang mga quiz na bigay ng math teacher ko, ayaw ko ng intindihin ang mga problem solving sa science at ayaw ko na magbasa ng libro para sa book report sa english. Kaya pinangarap ko noon na, "Sana grumadweyt na ako ng high school, ayaw ko ng mag-aral nakakatamad na."

Aminado naman ako, hindi talaga ako pala-aral na tao, kaya siguro tinamad ako noon. Kaya tuwing uwian, diretso computer shop para mag-DOTA nang hindi nagpapaalam sa mga magulang, ayun na-spotan. Grounded. Sa sobrang katamaran o sa kabobohan? Halos dalawang subject nalang ang line of 8 ko, nung 3rd trim.

Nung second year, medyo nagkakulay ang buhay hayskul ko. Nagkaron ako ng matalik na kaibigan, at itatago ko siya pangalang "jeep". Kung Stellan ka, kilala mo siguro siya. Halos araw-araw kaming gumagala sa Cubao, kain dito, c.r. doon. Dota dito, tambay doon. Away dito, bati doon. Nagkaroon rin ako ng lovelife, pero wag na pag-usapan. Pero, tamad parin ako na pag-aaral nitong taon na 'to.

Third year naman. Para sa akin, dito ko na naramdaman, naranasan ang buhay hayskul na napakasaya at napakakulay. Nagkaroon ng iba pang matatalik na kaibigan, at nagawang makalimutan si "jeep". Dito naging masaya ako na mayroon akong kaibigan na hindi lang sa pagdodota makakasama. Nagkaroon na ako ng lakas.  Wow, lakas. Na mag-aral, at magseryoso. onti lang, sa pag-aaral. Natuwa ako, dahil mula sa dalawang line of 8 ko noon. Wala na akong line of 7 ngayon.

Fourth year. Dito na nagsisulputan ang mga kadramahan na mga ka-iskwela. Huling taon, huling pagsasaya, huling pagsasamasama bilang mag-aaral ng hayskul. Dito ko narin naisip na mali pala ako noon. Hindi ko dapat minadali ang buhay ko nitong hayskul. Nag-aral na rin naman ako ng mabuti rito no! DLP na e, pagbigyan.

At ngayon, babawiin ko na ang pinangarap ko noon, "Sana, mas matagal pa ang hayskul". Para makasama pa ang mga kaibigan. Mga guro. Mga puno. Mga silyang nauubusan na ng pinturo sa kakakutkot ko. Para makasama pa ang Canteen na nagbebenta ng spaghetti na ang sauce, ketchup. Para masigawan pa ni Manang Guard. Para mag-ingay pa, at ibahin ang version at style ng pagkanta ng mga kanta sa flagceremony. Para mas marami pa akong mailalagay dito, na masasayang alaala...

Pero ganun talaga, may katapusan ang lahat. Kaya tatapusin ko narin itong post na to, sa hayskul life ko na napaka-boring, napaka-korni at napaka-walangkwenta. End.

(pagpasensyahan niyo na yung pic. yan yung unang nakita ko nung nag-search ako sa google ng "highschool" sa images e. okay na yan, nanood ka rin naman nyan kahit papano, siguro.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento